Barko: Nang Ako’y Iniwan ni Hesus

​” Barko”


Tao:

May panahon kung saan

tayo’y naglakad sa iisang daan.

Hawak mo ang aking kamay

Puso ko’y tinuring ka’ng gabay
Dinala mo ako sa malambot na buhangin

Kung saan ang aking mga paa’y humimbing

“Tara” sabi Mo “Dito ka muna at ako’y hintayin”

Naglakad tayo sa dagat at isang bangka’y binigay sa’kin
Naramdaman ko ang dulas ng iyong kamay

Nang ako’y iyong binitawan at pinaghintay

Luha’y bumuhas habang pinanood ka’ng umalis

naguluhan at nagalit ngunit ang nanaig ay hinagpis
Higanteng agos at bagyo’y aking hinarap magisa

Bago matulog ako’y titingin sa abot-tanaw

sa pagnanais na kahit anino mo man lang aki’y matanaw

Ako’y nahirapan at puso’y nauhaw
God:

Hindi ako umalis at hindi ako sumuko

Pag-ibig ko sayo’y di maglalaho

Buhay at kamatayan aki’y hinarap

Iyong parusa, ninais kong, saakin matapat
Dinala kita sa barko, kung saan ika’y ligtas

Sa masasamang hangin at kanilang pagaspas

Sa mga agos at kidllat

Niligtas kita sa lahat.
Ninais ko na ika’y maglakad dito

Nang walang lungkot at luha

Kaya tinago kita sa barko

Iyong pako at krus, ako na ang bahala
Tao:

Pinakamalakas na agos ako ay itinumba

Sa Barko, aking mga kamay, hindi nakakapit

Pagligtas ng aking buhay ako’y di na nagabala

Pinabayaan ko na ako’y malunod ng tubig at sakit
God:

Ako ay tumakbo

Sugat at sakit

Aki’y di pinansin

Maligtas ka lamang

Mayakap ka muli
tao:

Isag kapit aki’y naramdaman

Habang ako’y inahon ng kung sino man

Pag-ahon sa dagat ako ay natulala

sa dalawang butas, iyong kamay ang may dala

Handa na ako sumigaw. Handa na ako magalit.
God: Handa na ako masaktan. Handa na ako tabuyin.
Tao: Bago pa man sumikat ang buwan at sumayaw ang mga bitwin

Ako ay iyong hinatak. Ako ay iyong niyakap.
God: Sapagkat tapos na ang lahat. Tapos na ang lahat.
Tao:inalis mo ang luha sa aking mga mata.

Ikinamatay mo ang kamatayan ko
God: Upang buhay ko ang maging buhay mo.
Tao; At dito, sa gitna ng dagat ng mundo at himpapawid ng kahirapan, iyong muling sinabi

God:

Tara, at tayo’y umuwi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s